Video Description
WARNING! SENSITIVE CONTENT
Kalunos-lunos ang sinapit ng 11-buwang gulang na sanggol na babae matapos na tatlong beses na inuntog sa sahig at isinilid sa sako hanggang mabulok sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.
Ang suspek sa krimen, ang tagapag-alaga na babae na live-in partner ng tiyuhin ng sanggol.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Timothy Aniway Jr. , station commander ng Pasong Putik Police Station 16, nagawa pang mag report sa kanila ng suspek noong May 30 ng gabi.
Sa salaysay ng suspek, may dalawa umanong lalaki na pumasok sa kanilang nirerentahang apartment at tinangay ang sanggol.
Kinabukasan ay nagkasa ng follow-up operation ang pulisya kung saan sinuyod ang mga sinabing dinaanan ng mga tumangay umano sa bata.
Nag-backtrack din sa CCTV ang pulisya pero walang nakitang mga lalaki na may tangay-tangay na sanggol.
Nang iimbestigahan na ang loob ng apartment, biglang nag-alinlangan ang 26-anyos na babae na siya ring nag-report sa pulisya.
“Pagdating doon sa apartment nila, ayaw, nag-hesitate buksan ‘yung apartment. Buti na lang napilit namin na voluntarily buksan, doon nakaamoy na kami ng hindi magandang amoy,” ani Aniway.
Nang inspeksyunin ang apartment, tumambad sa ikalawang palapag ang isang sako bag na nilalangaw na.
Doon natagpuan ang katawan ng sanggol na naliligo sa sarili nitong dugo.
Boluntaryo na ring inamin ng babae na siya ang nasa likod ng krimen.
Selos at pagod ang lumalabas na motibo sa krimen base sa imbestigasyon ng pulisya.
“Yung live-in partner niya ayon sa kanya, mas inuuna, inaaruga o pinapansin ‘yung pamangkin kaysa ‘yung anak. Napagod na raw siya, nandilim ‘yung paningin niya,” sabi ni PLtCol. Aniway.
Napag-alaman ng pulisya na nangibang bansa ang nanay ng biktima at ipinagkatiwala sa kanila ang bata. Nasa probinsya naman ang ama nito.
Nasa tatlong buwan na sa pangangalaga ng suspek ang biktima.
“Nawala po sa pag-isip kasi dami akong ginagawa. Sa sobrang pagod ko sir. Inuntog ko lang ‘yung ulo niya ng tatlong beses. Sana mapatawad po ako sa tamang panahon. ‘Yung kasalanan ko inaamin ko, ako ang pumatay sa anak niya,” paliwanag ng suspek.
Nasa kustodiya na ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang suspek na nahaharap sa kasong Murder.
Isinailalim naman sa autopsy ang labi ng sanggol.
For more ABS-CBN News videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgUHWUpi2ioSp4xAP1SmAaf
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjTLLgQ2AEUBd4QVpsmx9MS
For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmgG2ln-vtKXb-oLlGEZc3sR
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
https://www.youtube.com/playlist?list=PLgyY1WylJUmjA30dKUQCDlG7vy38QQk-Y
Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com
Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews
#ViralNews
#LatestNews
#ABSCBNNews